Monday 4 November 2013

Secrets of Filipino Nurses


1. Mas mabait kami sa mga pasyenteng marunong mag-appreciate. Mas maasikaso kami at mas marahan kami sa kanila kapag may mga procedure na gagawin. Ex : blood exraction.
Pag masama ang ugali ng pasyente..kabaliktaran ang nangyayari . ayaw namin ng mga demanding. Lalo na kung nasa ward kasi hindi lang naman nag-iisa ang pasyente dun.minsan pinapatayan ko ng call light pag stable naman. Tska maaga naming pinapatulog.

2. Pasensya na sa mga masyadong friendly na pasyente. Hehe. Hindi kasi kami allowed na makipagkwentuhan sa mahabang panahon kaya madalas naming kayong maiwan sa room. Dami pang dapat na ayusin sa station like charting at meds preparations, marami din po kaming paperworks. pero open naman kami kung gusto niyong mag share. Yun nga lang po wala din kami mai-sheshare due to confidentiality and professionalism. good listener lang po kami.

3. Totoo po na mas binibigyan namin ng priority yung mga VIP patients. VIP yun eh. pero unbiased po kami sa pasyenteng alam namin na kailangan talaga ng tulong. Kami ang malalagot pag hinayaan namin yun. Yung quality of treatment pare parehas lang naman sa ospital na pinaggalingan ko. Pero yung palakasan or kakilala effect hindi talaga yan maiiwasan.

4. Mahilig kaming magtanong sa mga doctor tungkol sa pasyente namin. Kasi halos buong araw kami yung nag aasikaso sa pasyente eh ang mga doctor 5 minutes lang pag check nila ng pasyente aalis na sila. Madalas lang sila mag base sa chart na nakasulat.

5. Hindi niyo na po kailangang itago pa ang totoong sintomas niyo lalo na pag nagtatanong kami kasi malalaman at malalaman din naman namin yan after ng mga tests na gagawin sa inyo.

6. Nakakainis po pag ikinukumpara kami sa ibang nurses at kinukwestyon ang mga ginagawa namin. Okay ang po sana kung practicing student pa lang at hindi regular staff.

7. Nakakahurt po yung mga pasyente na hindi man lang marunong mag thank you or mag smile.

8. Pag pinapahiya po kami ng doctor sa harap ng mga pasyente namin. Tapos ginatungan pa ng pasyente. Nakaka- apekto po yun sa mood naming magtrabaho.

9. Nakakagaan po ng loob yung mga pasyenteng tinutulungan ang sarili nila para gumaling.

10.Please lang po. Huwag niyo muna kaming kakausapin kung magbibigay kami ng gamot. Baka magkamali kami.

11. Technique : kung magpapa extract po kayo ng dugo.. uminom muna ng tatlong basong tubig. Mas mahirap hanapan ng ugat ang mga taong dehydrated.

12. Huwag niyo pong pigilan ang paghinga niyo pag may gagawin kaming masasakit na procedure like tube removal / insertion or pag aalis ng staple sa sugat. It will just worsen your pain. Deep breath lang po ang katapat niyan.


Salamat po sa lahat ng nagbasa.

1 comment:

  1. ᐈ Gambling site to play real money casinos - choegocasino
    Gambling sites · Red Dog Casino งานออนไลน์ – One of the most reputable 카지노사이트 casinos 메리트 카지노 in the UK · CasinoKing – One of the best UK online casino sites.

    ReplyDelete